NEW YORK (AP) — Retirado na si Floyd Mayweather, ngunit patuloy pa rin ang hakot niya ng salapi.

Mayweather

Mayweather

Sa pinakabagong ulat ng Forbes magazine nitong Martes (Miyerkules sa Manila) nanatili ang undefeated boxing champion bilang ‘highest paid athlete’ sa ikaapat na pagkakataon sa nakalipa sna pitong taon.

Kabilang sa kanyang kinita para sa taong 2017 ang endorsements na nagkakahalaga ng US$285 milyon. Kabilang din ang kinita sa laban kay Conor McGregor, ang UFC superstar.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naungusan ni Mayweather si soccer great Cristiano Ronaldo, ang hari sa nakalipas na dalawang taon.

Bukod kay Ronaldo, ilang soccer players ang nasa top five ng Forbes, habang 40 basketball players ang nasa top 100 bunsod ng a “soaring salary cap triggered by the NBA’s $24 billion TV contract.”

Nasa No.2 si Lionel Messi na may US$111 milyon, kasunod si Ronaldo (US$108 million), McGregor (US$99 million) at Neymar (US $90 million). Kasama sa Top 10 sina basketball star LeBron James (85.5), tennis’s Roger Federer (77.2), basketball’s Stephen Curry (76.9) at quarterbacks Matt Ryan (67.3) at Matthew Stafford (59.5).