Isang magkapa t i d na hinihinalang holdaper ang patay, habang nakatakas naman ang dalawa nilang kasamahan makaraang manlaban umano sa mga awtoridad na nagtangkang umaresto sa kanila matapos umano nilang holdapin ang isang lalaki sa Barangay Maybunga, Pasig City, bago maghatinggabi nitong Martes.

Dead on arrival sa Pasig City General Hospital sina Daniel Gaspar, 18; at Enrique Gaspar, 23, kapwa residente ng Bgy. Tipas, Taguig City.

Batay sa ulat ni Pasig City Police chief, Senior Supt. Orlando Yebra Jr. kay Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Reynaldo Biay, dakong 11:45 ng gabi nang mangyari ang engkuwentro sa Jenny’s Avenue Extension sa Bgy. Maybunga.

Nauna rito, naglalakad sa Bgy. Kapasigan si Rodel de Jesus nang hintuan ng apat na suspek na magkakangkas sa dalawang motorsiklo.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Bumaba umano ang dalawang back rider, tinutukan ng baril si de Jesus at nagdeklara ng holdap, bago tinangay ang bag ng biktima na may cell phone at P2,000 cash.

Pagtakas ng mga suspek ay kaagad na nakahingi si de Jesus ng tulong sa isang motorista, na isa palang pulis at kinilala lang bilang si PO1 Bula, hanggang maipaabot sa Station Tactical Operations Center (STOC) ng Pasig Police ang reklamo ng biktima.

Makaraang iradyo ng STOC ang insidente, namataan ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP)-4 ang mga suspek sa F. Legaspi Street sa Bgy. Maybunga at pinara subalit pinaputukan umano ng mga ito ng baril ang mga pulis saka humarurot palayo.

Hinabol nina PO2 Cleo Rey at PO1 Jhoemar Tabat ang mga suspek gamit ang kanilang motorsiklo, subalit nang makorner sa Jenny’s Avenue ay muli umanong nagpaputok ng baril ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis, na ikinasawi ng dalawa, habang nakatakas naman ang dalawa pa, na pinaghahanap na ngayon.

Narekober umano ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang .9mm caliber pistol, isang .38 caliber revolver, at asul na motorsiklong walang plaka.

-Mary Ann Santiago