HINAMON ni Kris Aquino si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na magharap-harap sila, o gumawa ng eksenang gaya ng napapanood na bangayan ng mga babae sa pelikula.
Mukhang sinagad na talaga ni Mocha ang pasensiya ni Kris after ikumpara ng una ang paghalik kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa South Korea sa paghalik ng dalawang babae ilang sandali bago bumaba sa eroplano ang namayapang si dating Senador Ninoy Aquino.
Bumuwelta si Kris kay Mocha gamit ang kanyang Instagram account, at nag-live pa sa Facebook at IG a few hours pagkatapos niyang mag-post ng kanyang reaksiyon. Bungad ni Kris, “crossing the line” na raw ang ginawa ni Mocha at hindi na niya puwedeng ipagkibit-balikat na lang gaya ng dati.
Sa post ni Kris, sinabi niyang marami na siyang mga pinalampas sa ginawa ni Mocha na pambabalahura sa kanilang pamilya, pero itong huli, tungkol sa kanyang ama, ay hindi na niya puwedeng dedmahin.
“Gusto ko lang pong magpasalamat, I have been reading your comments, I have been reading your words of support that you have been giving me and I just wanna say thank you. Thank you from the bottom of my heart kasi it means a lot,” simulang pahayag ni Kris nang mag-live siya sa FB at IG.
“Alam n’yo po na ‘yung pinagdaanan ko, pinag-isipan ko talaga. Pinag-isipan ko bago mag-upload, kasi higante naman ‘yung binangga ko, eh, at inaamin ko ‘yon. Pero naramdaman ko talaga na ang nangyari was mom ko ‘yon, dad ko ‘yon at winawalanghiya na masyado ang alaala nila.
“So, this was just Kris as a daughter. This was Kris reacting and Kris opening up her heart to all of you… I cried, I really, really cried and I am stopping myself from crying now because turo ng mom dapat never show them that they hurt you. But yes, I was hurt.
“Eto, diretso po. Siguro may karapatan ako, kasi ni minsan hindi ko binastos… wala akong binastos o masamang nasabi tungkol sa administrasyong Duterte. In fact, na-bash po ako ng mga dilawan nung nag-post ako ng picture naming, at nung nagsabi ako na alam ko kung bakit siya nanalo. Hanggang ngayon hindi po ako nakikisawsaw sa pulitika.
“Pero yung ginawa mo, pinapangalan ko siya ngayon, ang tagal ko talagang tiniis na huwag siyang pangalanan but now pinapangalan ko si Asec Mocha Uson na sobra ka na, eh. ‘Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo mahal na mahal ko.
“And ganito na lang ha, diretsahan na, babae sa babae. Gusto mo ng kaaway? Ako. I’m ready anytime, anywhere, harapan. Gusto mong debate? Keri. Gusto mong gawin natin ‘yung eksena don sa Star Cinema movie nina Angel Locsin? You wanna do that scene with me? You want na ako ikaw at ikaw si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang.
“Kasi what you are doing to my parents, they do not deserve, okay. And people will tell me, why are you stooping down to her level. I’m doing this because I love my mom, I love my dad. And if I don’t do this now, I will hate myself. Ginagawa ko ‘to because I want my sons to see what I am willing to do for my mom and for my dad,” sabi pa ni Kris.
Muli ay hinamon ni Kris si Mocha, at sinabing handa siyang harapin ito.
“I am ready for you and this is a direct challenge to you. Face me. Face me anywhere! Name the place. Let’s carry it live, bring all your followers, I can stand alone. But stop it. Stop doing these to two people who have never hurt you. Hindi ka nila binastos dahil patay na sila.
“So ako, balahura din ako, eh. Ganyan ang labanan, eh. Kailangan ka talagang lumaban.”
May paliwanag din si Kris tungkol sa paghalik ng dalawang babae sa kanyang tatay noon.
“Yung dalawang babaeng ‘yon, nahalikan siya bago siya bumaba at bago siya na-assassinate. Hindi mo alam ‘yung sakit na ipinaramdam mo do’n sa post na ‘yon. Kasi naisip ko, sana nabigay ‘yung karapatan na ‘yon sa mom ko. My mom deserved that because my mom gave her entire life to my dad.
“Isa pa. Isa pa na bastusin at babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo!” babala pa ni Kris kay Mocha.
-ADOR V. SALUTA