Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

1:00 m.h. -- CEU vs Chelu Bar and Grill

3:00 n.h. -- Go for Gold vs AMA Online Education

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAAGANG pamumuno ang tatangkaing makamit ng Go for Gold sa pagpuntirya nila ng ikalawang sunod na tagumpay sa pagsagupa sa AMA Online Education sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ganap na 4:00 ng hapon ang tapatan ng Scratchers at Titans pagkatapos ng unang laro ganap na 2:00 ng hapon kung saan magtutunggali ang Centro Escolar University at ang Chelu Bar and Grill.

Bagama’t nakapagtala ng isang kumbinsidong panalo sa iskor na 88-75 kontra Batangas sa opening day nitong Lunes, naniniwala si Go for Gold coach Charles Tiu na may maipapakita pa ang kanyang mga manlalaro.

“I’m still not satisfied. We haven’t been practicing because of the individual commitments of the players,” pahayag ni Tiu. .

“We know what we can do and our goal is to win a championship,” dagdag nito. “Unfortunately, we’re still far from that. It’s a given that we have the talent in this team, so the challenge for us is to have more practice time to get familiar with each other.”

Sa panig naman ng kanilang katunggali, magtatangka naman ang AMA na makabangon mula sa opening day na kabiguan sa kamay ng Marinerong Pilipino sa pamumuno ng top rookie draft pick na si Owen Graham.

Sa unang laro, mag-uunahan namang humanay sa mga nasa winners circle ang CEU Scorpion at ang Chelu Bar and Grill Revellers.

-Marivic Awitan