Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang alam tungkol sa iniulat na pananakot sa mga sundalong Pinoy ng Chinese forces sa Ayungin Shoal, sa kabila ng pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano nitong nakaraang linggo na binigyan siya ni Duterte ng “strong instructions” kaugnay sa isyu.

Sa kanyang arrival speech sa Pasay City, tila clueless si Duterte nang tanungin tungkol sa kanyang reaksiyon sa isyu, at sinabing ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang balita.

“What kind of harassment in the first place before -- before I commit myself to answer the question, what kind of harassment was this?” wika ni Duterte kahapon ng madaling araw.

Sinabi niya na nais muna niyang magkaroon ng karagdagang impormasyon kaugnay sa usapin bago magkomento.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I have to have a more… Not even… This is the first time I’ve heard of it,” aniya.

“It would be dangerous for me to answer questions without really having the slightest idea of what it is all about,” dugtong niya.

Naunang sinabi ni Cayetano sa mga mambabatas na binigayn siya ng ‘strong instructions” ni Duterte matapos marinig ang tungkol sa harassment incident sa Ayungin Shoal.

“We filed a protest regarding that. We had a meeting. The President had strong instructions,” sinabi ni Cayetano nang tanungin tungkol sa harassment incident.

Muling idiniin ni Pangulong Duterte na hindi siya makikipaggiyera sa China sa iringan sa West Philippine Sea dahil matatalo lamang ang Pilipinas.

Iginiit din niya na nagpoprotesta ang Pilipinas sa isyu sa tuwing mag-uusap ang mga opisyal ng gobyerno.

“Diplomatic protest every time we open our mouth, we are protesting actually,” aniya.

-Argyll Cyrus B. Geducos