WASHINGTON (Reuters) – Umamin ang Facebook Inc. nitong Martes sa data sharing partnerships nito sa apat na Chinese companies kabilang ang Huawei, ang world’s third largest smartphone maker, na iniimbestigahan ng U.S. intelligence agencies dahil sa pangamba sa seguridad.

Sinabi ng social media company na ang Huawei, computer maker na Lenovo Group, at smartphone makers na OPPO at TCL Corp ay kabilang sa halos 60 kumpanya sa buong mundo na nagkaroon ng access sa ilang user data matapos lumagda sa mga kontrata na gayahin ang Facebook-like experiences para sa kanilang users.

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga miyembro ng Congress matapos iulat ng The New York Times ang gawain nitong Linggo. Sinabi nila na maaaring napasok nang walang pahintulot ang data ng friends ng user. Itinanggi ito ng FB at sinabi na ang data access ay pinapahintulutan ang users nito na mapasok ang account features sa mobile devices.

Mahigit kalahati ng partnerships ang itinigil na, ayon sa FB. Wawakasan nito ang kasunduan sa Huawei ngayong linggo. Tinapos na rin nito ang tatlo pang partnerships sa Chinese firms.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Sinabi ng isang FB executive na maingat na pinamahalaan ng kumpanya ang access na ibinigay nito sa mga kumpanyang Chinese.

“Facebook along with many other U.S. tech companies have worked with them and other Chinese manufacturers to integrate their services onto these phones,” saad sa pahayag ni Francisco Varela, FB vice president for mobile partnerships. “Facebook’s integrations with Huawei, Lenovo, OPPO and TCL were controlled from the get-go — and we approved the Facebook experiences these companies built.”