DATI, kapag may presscon si Elmo Magalona ay nasa venue rin ang mama niyang si Pia Magalona. Pero sa grand launching ng pelikulang Walwal nitong Martes nang tanghali sa Valencia Events Place ay hindi namataan ang ina ng aktor.

Frank copy

Marahil ay inaasikaso nito ang kuya ni Elmo na si Frank Magalona, na nakulong sa Taguig Police Station dahil sa panghahawak umano ng butt ng VIP host sa Revel Bar nitong Linggo ng hatinggabi.

Habang isinasagawa ang presscon ng Walwal ay nabalitang nakalabas na ng kulungan si Frank for further investigation, makaraang ibaba sa unjust vexation ang naunang reklamo rito na acts of lasciviousness.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa report ng GMA News, sinabi ni Southern Police District director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. sa panayam ng network, “Ang ibig sabihin ng released for further investigation ay hindi ganu’n kalakas ang evidence para ma-detain siya (Frank), pero hindi pa dropped ang complaint. Magtutuloy- tuloy ang preliminary investigation.”

Pagkatapos ng presscon ng Walwal ay pinalibutan si Elmo ng media para hingan ng pahayag tungkolsa pagkakaaresto sa kuya niya.

“Nandito lang ako lagi para sa kapatid ko! This is really an unfortunate event, but I cannot really say what happened because I wasn’t there but he’s already doing something about it,” panimula ni Elmo.

Siyempre, suportado ng binata ang kapatid niya. “Of course! He’s my brother, I love him, he has my 100 percent support. I’m just here para sa kanya. If kailangan niya ako, I will be there for him. Siyempre, wala namang may gustong mangyari ang ganu’n, but at the end of the day, he is still my brother, so he has my back.”

Naniniwala naman ang lead actor ng Walwal na kayang-kayang malampasan ng kapatid niya ang kinasangkutan nito. “Like it’s really a hot stuff now, and I believe bukas, the following day, there will be a new hot stuff, so, parang lilipas din ‘yan. And I hope na matapos din ito.”

Halata naman sa mga mata ni Elmo na apektado siya sa nangyari sa kapatid niya, dahil close silang magkakapatid, base na rin sa kuwento niya noon. Lalo at wala na ang kanilang ama na si Francis Magalona.

Going back to Walwal movie, sinulat ito ng 19-year-old writer na si Gerald Mark Foliente, na estudyante ni Direk Joey Reyes sa College of St. Benilde.

Ayon sa nagsulat, marami ang ibig sabihin ng Walwal, na tumatalakay ito sa relasyon at sensibilidad ng kasalukuyang henerasyon.

Usong termino ito ngayon sa millennials, na kapag gustong lumabas ay mag-iimbita ng “tara, walwal tayo”, na katumbas ng dating “tara labas/gimik tayo.”

Pinangungunahan ni Elmo ang Walwal bilang si Dondi, isang prim and proper good son na nabubuhay upang paligayahin ang mga tao sa kanyang paligid.

Kasama rin sa Walwal sina Jerome Ponce as Intoy, good natured athlete na hinahanap kung sino ang tunay niyang ama; Kiko Estrada as Marco, na isang heartthrob at heartbreaker; at si Donny Pangilinan naman ay si Bobby ,na pangarap maging direktor at happy go lucky guy at funny man sa apat.

Kasama rin sa pelikula sina Kisses Delavin (Ruby), Devon Seron (Trina), Jane De Leon (Carla), at Sofia Senoron (Shelby) bilang leading ladies ng Walwal boys.

Mapapanood ang Walwal sa Hunyo 27 mula sa Regal Films, at release naman ng Star Cinema, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

-REGGEE BONOAN