Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna siya uuwi sa Davao City dahil alam niyang sisitahin siya ng bunsong anak na si Veronica kaugnay ng kontrobersyal na paghalik niya sa isang Pinay sa South Korea kamakailan.

“She will put me to task. I expect my second daughter to say something about it in front of me when I [come home]. Kaya ayaw ko munang umuwi,” ani Duterte.

“Mabuti pa sa inyong mga babae, tulungan na lang ninyo ako tuloy mag-explain to them na natural man ‘yang ganun,” dagdag pa ng Presidente.

Sa panibagong kontrobersiyang idinulot ng nasabing paghalik niya sa isang overseas Filipino worker (OFW), sinabi ni Duterte na tanungin na lamang ng publiko ang mga anak niyang sina Veronica at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung nasaktan ang mga ito nang mapanood ang ginawa niya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ito ang inihayag ng Pangulo nang hingan siya ng komento kaugnay ng pagpalag ni Kris Aquino nang pagkumparahin ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang nasabing kontrobersiyal na halik ni Duterte sa paghalik ng dalawang babae sa eroplano sa napaslang na si Senator Ninoy Aquino.

“The logical answer would be to ask my daughter also if she was hurt. I can only ask for my territory. First of all, with due respect, wala na ang tao dito, patay na. Second is I do not know the exact feelings of [Kris]... Maybe if you want a comparison, you can ask my daughter what she felt when she saw me,” pahayag ni Duterte.

-Argyll Cyrus B. Geducos