PARIS (AFP) – Dalawang katao ang nasawi nitong Miyerkules sa bagyo na sumira sa kabahayan, naminsala sa mga taniman ng ubas at nagpabaha sa buong France, sa nakalipas na dalawang gabi.

Itinaaas nito sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa nakalipas na dalawang araw. Isang 37-anyos na lalaki ang natagpuang nalunod sa loob ng kanyang sasakyan sa hilaga ng France noong Martes.

Nitong Miyerkules, isang babaeng nasa 90 anyos ang namatay sa Montmorillon, isang bayan sa central-western France, dahil sa hinalang atake sa puso habang nililinis ang kanyang bahay na pinasok ng baha. Natagpuan naman ang bangkay ng isang 80-anyos na babae sa ilog sa Lot-et-Garonne region ng southern France kung saan magdamang ang malakas na ulan, ayon sa pulisya.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'