Halos 200 pulis, na sangkot sa iba’t ibang reklamo, ang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ngayong taon.

TINALO ANG KAPAMILYA Iprinisinta sa media ng National Bureau of Investigation ang tatay at lola ng 12- anyos na bata na paulit-ulit umanong hinalay ng una, makaraang maaresto sa Dasmariñas City, Cavite. (CZAR DANCEL)

Ipinahayag ni Counter Intelligence Task Force (CITF) chief, Senior Romeo Caramat, Jr. na naitala nila ang nasabing bilang simula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

Sa nabanggit na bilang, aabot sa 74 ang naaresto, kabilang ang tatlong opisyal at 71 tauhan na may ranggong PO1 hanggang SPO4.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Nasa 82 naman ang sinampahan ng kaso sa hukuman at 38 ang ipinagharap ng kasong administratibo.

Tiniyak naman ni Caramat na magpapatupad sila ng “maximum tolerance” laban sa mga aarestuhin nilang tiwaling pulis sakaling manlaban ang mga ito.