Nalambat ng pulisya ang 13 Nigerian na isinasangkot sa operasyon ng online scam sa Cavite at sa mga karatig-lugar, sa entrapment operation sa lalawigan.
Naaresto ang umano’y lider ng sindikato na si Emmanuel Chinonso Nnandi, alyas “Nonso”, sa Bali Hai Subdivision sa Barangay Bgy. Buhay na Tubig sa Imus, kasama ang 12 pang Nigerian.
Isinagawa ang pag-aresto batay sa reklamo ni Arnel Pilapil na nagsabing naloko ng grupo ang kapatid niyang si
Charissa Pilapil De Quito matapos na magpadala ng P10,000 kay Chinonso sa ikatlong pagkakataon, kapalit ng pangakong malaki ang magiging tubo o kita ng pera nito.
Nakilala lamang umano ni De Quito si Chinonso sa social media at nagpakilalang miyembro ng Special Forces ng United States Army at may ranggong Major.
Nangako umano ang suspek na magpapadala ng US$2.5 million sa pamamagitan ng isa umanong diplomatic agent na nagngangalang “Mr. Evans Peters”, kapag nagbayad ng “airport authority taxes” na nagkakahalaga ng P75,000.
Sinabihan di n umano ni Chinonso ang biktima na makatatanggap ng P300,000 oras na dumating na ang package.
Pero matapos ang transaksiyon ay walang natanggap si De Quito, kaya naghain ito ng reklamo sa pulisya sa tulong ng kapatid na pulis.
Sa follow-up operation sa Imus, Cavite, natiklo ang isa pang Nigerian at isang Pinay, si Irish Pimentel Lewis, habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Figo Modestus.
Matagal na umanong nanloloko ang mga suspek sa pamamagitan ng paggamit ng social media.
N a r e k o b e r s a t a t l o n g magkakahiwalay na lugar ang ilang laptop computer, electronic gadgets, at iba’t ibang cell phone na ginagamit umano sa kanilang operasyon.
-FER TABOY