SOBRANG ingat ngayon si Vice Ganda sa kalusugan niya after niyang maoperahan last February. Ayon sa kanya, kung gusto niyang mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan ay kailangan niyang sundin ang utos ng kanyang doktor, huh!

Vice copy

Siyempre, unang unang iniingatan ni Vice sa ngayon ay ang mga kinakain niya. Kung dati ay walang bawal-bawal sa kanya, ngayon daw ay may mga hindi na siya kinakain.

“Hindi na ako kumakain ng may mga asin. Kaya nakikita nila, at sinasabi nila na pumapayat ako. Kasi sa ngayon maayos na ang pagkain ko. Dati kasi ‘yung pagkain ko, kuntodo talaga.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“Lahat kinakain ko talaga, eh, ngayon lahat ng pagkain ko galing sa bahay. Tapos ‘yung nagluluto sa akin, eh, bawal ang asin, bawal ang ano man. Walang lasa ang pagkain ko, natanggap na naman ng dila ko. ‘Yun na ‘yung kaya kong kainin,” kuwento pa ni Vice.

Kaliwa’t kanan pa rin hanggang ngayon ang mga ginagawang trabaho ni Vice. Gayunman, hindi na raw siya nagpapabaya sa sarili. Kumbaga, basta naramdaman niyang kailangan niyang magpahinga ay kaagad naman siyang tumitigil.

“Kaya nga gusto kong itinutulog ko siya ngayon. Pero siyempre, humaharap pa din naman ako. Hindi naman puwede ‘yung kailangang masaya lang ako palagi, dapat din namang pagbigyan ko ang kinakailangan ng kalusugan ko,”pag-amin ng It’s Showtime host.

-JIMI ESCALA