MATAPOS humakot ng gintong medalya sa katatapos na Ayala Philippine Athletics Championship na ginanap sa Ilagan, Isabela, naghahanda naman ang batang “Sprint King” na si Veruel Verdadero para kanyang susunod na misyon -- ang Youth Olympic Games.

HINDI na bumitiw sa pangunguna ni Philippine Army’s Jho-An Villarma para mapagtagumpayan ang women’s 5000m run sa 2018 Ayala Philippine Athletics Championships na nagtapos nitong weekend sa Ilagan Sports Complex in Isabela. (RIO DELUVIO)

HINDI na bumitiw sa pangunguna ni Philippine Army’s Jho-An Villarma para mapagtagumpayan ang women’s 5000m run sa 2018 Ayala Philippine Athletics Championships na nagtapos nitong weekend sa Ilagan Sports Complex in Isabela. (RIO DELUVIO)

Nakatakdang umalis sa susunod na buwan si Verdadero patungong Thailand para sa qualifying round ng Youth Olympic Games (YOG) na gagawin naman sa Buenos Aires, Argentina sa Oktubre 6 hanggang Oktubre 18 ngayong taon.

Ayon sa 16-anyos pride ng Dasmarinas City, bagama’t naging tagumpay ang kanyang kampanya sa National Open ng Athletics, walang dahilan upang siya ay magpahinga, gayung nais din niyang makasama sa prestihiyosong kompetisyon para sa mga kabataan na YOG.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“Aalis po ulit ako next month for YOG qualifying po. So kailangan pa rin po mag training kasi gusto ko po makapaglaro sa YOG,” ayon kay Verdadero, kasalukuyang Grade 11 sa Jose Rizal University.

Lalahok si Verdadero sa Asian Youth Olympic Qualifying Meet sa Songkhla Thailand sa Hulyo 5-8 target ang slot sa YOG sa Argentina.

Ito ang unang pagkakataon kung papalarin na makakalahok si Verdadero sa YOG kung kaya naman pursigido ito na makalusot sa qualifying round.

“First time ko po sasali kaya gusto ko pong paghandaan yung sa qualifying. Tuluy tuloy po yung training ko kasi para po makundisyon ako sa game sa Thailand,” aniya.

Humakot ng apat na ginto at isang bronze si Verdadero sa katatapos na National Open, buhat sa mga events na 100m , 200m, 4x100m Mixed Gender relay, 4x400 mixed gender relay kung saan nakakuha siya ng ginto at bronze sa 4x400m boys relay.

Bagama’t nabigong makalahok sa Philippine National Games na ginanap sa Cebu, hindi naman nawalan ng loob si Verdadero na bumawi para sa National Open at ngayon nga ay mas malaki ang kompetisyon na kanyang paghahandaan.

Mahigit 3,000 batang atleta ang inaasahang lalahok sa YOG ngayong taon buhat sa kabuuang 206 na bansa sa buong mundo.

-Annie Abad