NAMI-MISS na ng netizens si Tom Rodriguez sa epidemic-serye na The Cure ng GMA 7.

Tom copy

More than a week na kasi siyang hindi napapanood as Greg Sandoval, after ng last scene niya last week, na para mailigtas ang asawang si Charity (Jennylyn Mercado), ang anak na si Hope at ang inampon nilang batang si Yel, at si Jimboy (John Feir) sa pagsalakay ng mga infected, siya ang nagpahabol sa kanila. Usapan nila ni Charity na kapag naayos na ang lahat ay muli silang magkikita-kita sa isang lugar na binanggit niya.

Pero nakaligtas na ang pamilya ni Greg, at nasagip at nadala na sila sa kampo pero hindi pa rin siya sumisipot. Muntik pa ngang pabayaan ni Charity ang anak dahil sa pag-aalala kay Greg, kung totoo nga bang namatay na ito pagkatapos atakehin ng mga infected. Pero naalala ni Charity ang bilin ni Greg na huwag niyang pababayaan ang anak nila.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Bilang clinical researcher sa laboratory, kailangan siya ni Dr. Lazaro (Jaclyn Jose) para matuklasan ang tamang gamot para sa Monkey Virus Disease (MVD).

Kaya naman ang televiewers, nagtatanong na kung totoo bang namatay si Greg? May nagtatanong din kung nagpaalam ba munang magbabakasyon si Tom at sumama sa girlfriend na si Carla Abellana, na nasa San Diego, California for the Independence Day celebration doon ng GMA Pinoy TV. Pero wala namang na-post na picture nila ni Carla na magkasama sa US.

Matatandaang last month bago nagsimula ang The Cure, ay nagbakasyon muna sina Tom at Carla sa Japan.

Kaya tinext na lang namin si Direk Mark Reyes kung kailan babalik si Greg sa epidemic-serye. Intriguing ang sagot ni Direk Mark!: “Greg will be back very soon... if he is still alive... (plus laughing emoji)”

So, hintay-hintay na lang muna ang masusugid na sumusubaybay sa The Cure, gabi-gabi after ng 24 Oras, kung kailan muling babalik si Greg!

-Nora V. Calderon