Kasado na sa committee level ng Senado ang panukala para gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.

Ayon kay Senador Richard Gordon, ang ikasiyam na sinag ay kumakatawan sa mga kapatid nating Muslim na lumaban at hindi nagpasakop sa mga Kastila.

Tinukoy ni Gordon sina Lapu-Lapu at Sultan Kudarat bilang ilan sa mga mandirigmang Muslim na nakipaglaban para sa ating kalayaan.

Sa kasalukuyan, walo ang sinag ng araw sa ating watawat na kumakatawan sa mga lalawigan at lungsod na lumaban para sa ating kalayaan: Batangas, Cavite, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Maynila, at Tarlac.

Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’

Sinabi ni Gordon na 12 senador na ang lumagda para gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng bansa.

-Leonel M. Abasola