DOHA (AFP) – Sa unang anibersaryo ng diplomatic rift sa Gulf, idineklara ng foreign minister ng Qatar nitong Martes na mas lumakas pa ang kanyang bansa at bukas ito sa pakikipagdayalogo sa mga karibal sa rehiyon.

Kinontra rin ni Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani ang ‘’imaginary victories’’ ng mga kaaway ng Qatar laban sa maliit na Gulf state, na target ng boykot na pinangunahan ng Saudi Arabia.

‘’One year on and Qatar and its people are stronger,’’ isinulat ni Al-Thani sa Twitter. ‘’(There’s) a lot of talk about imaginary victories and isolating Qatar, but after one year, the reality proved the opposite as Qatar emerged as an international partner that can be trusted.’’

Hunyo 5, 2017 nang putulin ng Saudi-led alliance kabilang ang United Arab Emirates, Bahrain at Egypt ang relasyon nito sa Qatar, na inaakusahan nila ng pagsususpporta sa terorismo at sa Iran.

Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man

Nakabitin ang diplomatic efforts na pinamunuan ng Kuwait at United States ngunit may mga planong pag-uusap sa Setyembre.

Sinabi ni Al-Thani na ‘’door is still open for dialogue’’ sa pagitan ng mga karibal sa Gulf.