Patay ang isang taxi driver matapos saksakin ng holdaper sa Barangay Parang, Marikina City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Police Senior Supt. Roger Quezada, hepe ng Marikina City Police, kay Eastern Police Director Police Chief Supt. Reynaldo Biay, kinilala ang biktima na si Mario Bernardo B. Torres, nasa hustong gulang, taxi driver ng Joanian Taxi na matatagpuan sa JP Rizal Street, sa Bgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Agad naman naaresto ang suspek na si Jomari Basconillo, 18, ng Block 31-64, Sitaw St., Bgy. Tumana, Marikina City.
Sa imbestigasyon nina SPO2 Charles Pacquing, Jr. at PO2 Chiffer Ventura, naganap ang insidente sa No. 4 Libra St., La Consolacion Village, sa Bgy. Parang, dakong 7:37 ng gabi.
Na gpa n g g ap uma n o n g pasahero si Basconillo at sumakay sa taxi (AAI-9470) ni Torres.
Ayon sa awtoridad, posibleng nanlaban si Torres nang mag deklara ng holdap si Basconillo kaya nagtamo ng saksak sa kanang dibdib. Tinangay ng suspek ang kita at cell phone ng biktima.
Pagsapit ng 5:00 ng madaling araw kahapon, Martes, naaresto ang suspek sa Bgy. Tumana matapos may magbigay-alam sa kinaroroonan nito.
Nahaharap si Basconillo sa kasong robbery with homicide.
-Mary Ann Santiago at Fer Taboy