Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 pm Magnolia vs. Blackwater
7 pm San Miguel Beer vs. Columbian Dyip
TATANGKAIN ng Magnolia na makabalik sa winning track upang umangat sa third spot kasalo ng Meralco sa pagsagupa sa winless pa ring Blackwater ngayon sa 2018 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.
Naungusan ng namumunong Rain or Shine nitong Sabado, 99- 96 , na nagbaba sa kanila sa fourth spot taglay ang barahang 3-2, isang panalo ang pagkakaiwan sa pumapangatlong Bolts (4-2).
Pinapaboran ang Hotshots sa salpukan nila ng Elite na wala na sa kontensyon para sa playoffs dahil hindi pa rin ito nakakatikim ng panalo pagkaraan ng pitong laro. Ganap na 4:30 ng hapon ang magiging tapatan ng Magnolia at Blackwater na susundan ng bakbakan ng San Miguel Beer at Columbian Dyip ganap na 7:00 ng gabi.
Tatangkain ng Beermen na maitala ang ikatlong sunod na panalo at unang back-to-back wins matapos magbalik ng dating import na si Renaldo Balkman.
Huling tinalo ng Beermen ang Barangay Ginebra Kings nitong nakaraang Linggo sa overtime kung saan nagkatapat ang dating magkakampi sa ABL champion team na Alab Pilipinas na sina Balkman at Ginebra import Justine Brownlee.
-Marivic Awitan