Pinagpapaliwanag ng Supreme Court (SC) sina Foreign Secretary Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay ng pagkuwestiyon ng anim na senador sa pagkalas ni Pangulong Duterte sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).
Binigyan ng 10 araw sina Cayetano, Medialdea, Philippine Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin, at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo para magbigay ng komento sa nasabing petisyon, saka itinakda ang oral argument sa Hulyo 24.
Marso 14, 2018 nang ihayag ng Pangulo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil sa “baseless, unprecedented and outrageous attacks” laban sa kanya at kampanya ng gobyerno kontra droga.
Mayo naman nang naghain ng petisyon sina Senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Leila de Lima, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV kontra sa pasya ni Duterte, iginiit na wala itong bisa dahil walang pahintulot ng two-thirds sa 24 na miyembro ng Senado.
-Beth Camia