Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa buntis na prosecutor ng Office of the Ombudsman sa Quezon City, kinumpirma kahapon ng National Capital Region Police Office.

NAGNAKAW NA, PUMATAY PA! Kinunan ng litrato ang suspek sa pagpatay kay Ombudsman prosecutor Madonna Joy Ednaco Tanyag, matapos maaresto ng Philippine National Police sa Quezon City kahapon.

NAGNAKAW NA, PUMATAY PA! Kinunan ng litrato ang suspek sa pagpatay kay Ombudsman prosecutor Madonna Joy Ednaco Tanyag, matapos maaresto ng Philippine National Police sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang suspek na si Angelo Galvez Avenido alyas “Moymoy,” 31, jeepney barker.

I n i h a r a p mi smo nina Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde, Eleazar and Quezon City Police District (QCPD) Director Joselito Esquivel si Avenido sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

S i A v e n i d o a y u n a nang ikinonsiderang isa sa dalawang persons of interest na inimbestigahan sa pagpatay sa abogadong si Madona JoyEdnaco- Tanyag, 32, assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman ng Marikina City. Siya ay limang buwang buntis, ayon sa awtoridad.

Inaresto si Avenido sa hot pursuit operation ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Culiat nitong Lunes, bandang 5:45 ng hapon, o ilang oras matapos ang pagpatay, sabi ni Eleazar.

Ayon sa NCRPO chief, maaaring nauwi sa pagpatay ang pagnanakaw na posibleng motibo kay Ednaco-Tanyag.

Narekober sa suspek ang pouch ng biktima, na naglalaman ng P9,000 cash, iba’t ibang identification (ID) card at cell phone, dagdag ni Eleazar.

Pabalik na ang biktima sa kanyang sasakyan na nakaparada sa Visayas Avenue sa Bgy. Vasra, Quezon City matapos bumili ng milktea nang tatlong beses saksakin sa dibdib ng suspek at tumakas.

Isinugod si Ednaco-Tanyag sa East Avenue Medical Center ngunit patay na ito.

Ayon kay Eleazar, dalawang taong naglingkod ang biktima bilang prosecutor at karamihan sa hinawakang kaso ay graft.

Kakasuhan si Avenido ng robbery with homicide sa Quezon City Prosecutor’s Office.

-MARTIN A. SADONGDONG at JUN FABON