Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sumagot na si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa hamon ni Kris Aquino na magharap sila, kaugnay ng pagkukumpara ni Uson sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa South Korea sa paghalik ng dalawang babae ilang sandali bago bumaba sa eroplano ang namayapang si dating Senador Ninoy Aquino.

Una nang humingi ng paumanhin si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kay Kris kaugnay ng isyu at nang makapanayam ito ay sinabi ng opisyal na hihingi rin ng dispensa is Uson sa Queen of all Media. Hindi lang umano alam ni Go kung mag-i-isyu ng public apology o personal na magso-sorry si Uson kay Kris.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Ngunit malayo sa paghingi ng paumanhin ang ipinost ni Uson sa kanyang Facebook page ngayong Miyerkules.

Sa isang video na kinunan sa South Korea, sinabi ni Uson na hindi tungkol kay Kris ang naunang post.

"Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you," sabi niya.

"With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth," dagdag pa niya.

"Sana hindi na umabot sa ganoon [mag-debate sina Kris at Mocha], sana hindi na lumaki. Magkaisa na lang po tayo,” sabi ni Go.