NAGTANGHAL si Johnny Depp kasama ang kanyang banda, ang Hollywood Vampires, sa Berlin nitong Lunes ng gabi, sa kabila ng pangamba ng fans sa kanyang kalusugan.

Joe, Duff at Johnny copy

Naalarma ang fans ng aktor at musician nang kumalat ang larawan niya, na payat at maputla, nitong nakaraang linggo, ngunit mukhang maayos naman ang kalagayan ni Johnny sa gig niya kamakailan.

Samantala, siniguro naman sa Yahoo Entertainment ng source na malapit kay Johnny na “(there is) no need to be concerned.”

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

“He is healthy,” sabi pa ng insider.

Nag-post ang band ng mga larawan sa kanilang official Instagram page.

Nagbahagi rin si Joe Perry ng Aerosmith — na miyembro ng Hollywood Vampires, kasama si Alice Cooper — ng larawan at makikita rito ang healthy-looking na si Johnny katabi ang Guns N’ Roses bassist na si Duff McKagan.

Habang busy si Johnny sa tour, in between films, maaaring abala rin siya sa korte. Kamakailan ay kinasuhan niya ng libel ang isang British tabloid ng libel sa istorya na nagbansag sa kanya ng “wife-beater.”

Kinasuhan din niya ang kolumnistang nagsulat ng artikulo, ayon sa ulat ng Yahoo Celebrity.