SYDNEY (AFP) – Nagbabala kahapon ang conservation experts sa nakaaalarmang pagbaba ng populasyon ng mga isda sa Australia at nanawagan ng mas maraming marine reserves at mas maayos na pamamahala para mapigilan ang kanilang pagkaubos.

Natuklasan sa 10-taong pag-aaral sa halos 200 species sa 544 lugar, na ang pangunahing dahilan nito ay overfishing, na sinabayan ng climate change. Ngunit kinontra ng Australian Fisheries Management Authority ang findings.

Ipinahihiwatig ng research, sa dekada hanggang sa 2015, ng University of Tasmania at University of Technology sa Sydney, na halos 30 porsiyento ang ibinababa populasyon ng malalaking uri ng isda.

Nagbabala ang study, inilathala sa journal na Aquatic Conservation, na ang kasalukuyang sitwasyon sa buong mundo ay nangangailangan ng ‘’immediate multinational attention’’.
Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man