NAKAMIT ni reigning for-time league MVP June Mar Fajardo ang unang PBA Rush-PBA Press Corps Player of the Week award ngayong conference makaraang giyahan ang defending champion San Miguel Beer sa pagtala ng kanilang unang back-to-back win.

Ang itinuturing na pinaka dominanteng manlalaro ng liga ay nagposte ng average na 16.5 puntos, 16 rebounds, 3.0 assists at 1.5 blocks upang tulungan ang SMB na magapi ang Phoenix, 106-94, at Barangay Ginebra, 104-97 sa overtime.

Bagama’t wala sa tamang elemento noong Miyerkules, nagtala pa rin ang 6-10 na si Fajardo upang tulungan ang San Miguel na makamit ang unang panalo sa iniskor nyang siyam na puntos, 13 rebounds, 4 assists at 2 blocks sa panalo nila kontra Phoenix.

Apat na araw kasunod nito, muling nagbalik sa kanyang deadly form ang pride ng Pinamungahan, Cebu at umiskor ng 24 puntos, kabilang na ang mid-range jumper kontra kay Ginebra slotman Greg Slaughter na naghatid sa laro sa overtime.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Nagtala rin ang 28-anyos na si Fajardo ng 19 rebounds para lubusang ma- outplay si Slaughter.

Inungusan ni Fajardo ang teammate na si Arwind Santos, si TNT guards Terrence Romeo at Jericho Cruz, Rain or Shine slotman Raymond Almazan, Alaska forward Vic Manuel at guard Chris Banchero at Meralco guards Chris Newsome at Anjo Caram para sa weekly citation.

-Marivic Awitan