ANY day this week ay maghahain ng kasong paninirang-puri si Sunshine Cruz laban sa negosyanteng si Kathelyn Dupaya. Pinag-aaralan daw ngayon ng mga abogado ng aktres ang mga kasong maaari nilang isampa laban sa dati niyang kaibigan.
Inaayos na rin ngayon ng manager ng aktres kung saan siya maaaring magbigay ng opisyal na pahayag hinggil sa isyu.
“Ayusin din muna namin ang kasong puwede naming isampa sa kanya,”sabi ni Sunshine.
Nagtataka ang aktres kung bakit siya umano ang pinag-initan nang husto ni Dupaya. Ipinakita pa ni Sunshine sa amin ang mga palitan nila ng text messages ng nagosyante, matapos lumutang na sinabihan niya umano ng “scammer” si Dupaya.
“Sa totoo lang, eh, ang hirap lang na ilabas kasi madadamay ang bata. Pero saan d’yan ang sinasabi niyang hina-harass or tinawagan ko anak niya, and sinabi kong scammer?”lahad pa ng aktres.
Aminado rin si Sunshine na may kaya ang dating kaibigan. Nabanggit pa niya sa amin na may 10-door apartment ang negosyante sa Makati, may condo sa Taguig, may isa pang condo sa Katipunan, may bahay sa Bulacan, may apartelle sa Comembo, Makati, at iba pang ari-arian.
Pero ang problema lang, ayun sa source namin, hindi raw magalaw ang mga nasabing properties para ipambayad sa mga atraso ni Dupaya, dahil nagkaroon umano ng problema, huh!
Ayon sa source, wala siyang alam kung may bisyo ang negosyante, bagamat sure siya na madalas itong kumain sa isang restaurant sa Resorts World.
-Jimi C. Escala