Sa harap mismo ng kanyang anak at hipag pinatay ang isang babae sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.
Dalawang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Elvira Antonio y Canonoy, 47, tubong Leyte, ng Block 142, Lot 80, Zone 2, San Diego Street, Barangay Central Bicutan, Taguig City.
Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng armado.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa lugar ng biktima sa panulukan ng Maharlika Road at Cagayan De Oro St., sa Bgy. Maharlika, dakong 6:45 ng gabi.
S a i m b e s t i g a s y o n , nakikipagkuwentuhan si Antonio sa kanyang anak at hipag nang sumulpot ang suspek at dalawang beses binaril ang biktima.
Kumaripas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa krimen.
-Bella Gamotea