NAGING kasabihan na kapag nagpagupit ng buhok ang isang babae ay may pinagdadaanang problema.

Sue copy

Laking-gulat ng Instagram followers ni Sue Ramirez dahil nagpagupit siya ng sobrang ikli, na nag-selfie sa harap sa salamin at may caption na, “Monday madness”.

Pero marami rin naman ang pumuri, dahil bumagay naman sa aktres ang bago niyang hairdo.

Ang tanong, may bago bang project si Sue para pagupitan niya ang mahaba niyang buhok? Bibihira kasi sa mga artistang babae ang nagpapagupit nang sobrang iksi, dahil nga baka may mga inquiries sila for a TV commercial.

Tsika at Intriga

Kuya Kim Atienza, ipinanawagang huwag gawing politikal ang ‘Threads’

Tapos na rin bang gawin ni Sue ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi, mula sa IdeaFirst idinirihe ni Jun Robles Lana, at entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Agosto?

O baka naman may problema sina Sue at ang boyfriend niyang si Joao Constancia, ng Boyband PH, na finally ay umaarte na ngayon sa Wansapanataym Presents: Ofishcially Yours, bilang leading man ni Elisse Joson?

-Reggee Bonoan