Sugatan ang tatlong katao nang aksidenteng pumutok ang baril ng isang guwardiya sa isang bingguhan sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Unang isinugod sa Ynares Hospital at kalaunan ay inilipat sa Quirino Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Cyril Pagcalinawa; Pamela Santos; at Randy Fugaban.

Nasa kustodiya naman ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) ang guwardiyang si James Datuwata, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Rodriguez MPS, naganap ang aksidente sa loob ng Bingo Boutique na matatagpuan sa Zuñiga building, E-Rodriguez, Hi-way Manggahan sa Rodriguez, dakong 9:00 ng gabi.

National

VP Sara sa PMA graduates: ‘Wag maging kasangkapan ng pagtatraydor ng mga nasa kapangyarihan’

Tinutulungan umano ni Datuwata ang isa sa kanilang mga cashier sa pagkuha ng pera mula sa bingo machine nang aksidenteng pumutok ang shotgun nito.

Tumama umano ang bala sa sahig ngunit bumalandra ito at saka tumama sa katawan ng mga biktima.

-Mary Ann Santiago