Tinatayang nasa 2,000 bakanteng trabaho sa larangan ng sales ang naitala ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa PhilJobNet, ang internet-based job at matching system ng pamahalaan.

Sa ulat mula sa Bureau of Local Employment (BLE), bakante ang mga posisyon ng merchandiser, na nangangailangan ng 495; junior supervisor, 495; customer service assistant, 380; cashier, 296; at stall salesperson, 200.

Nangunguna pa rin sa lingguhang listahan ng mga oportunidad sa trabaho ang call center, na may 2,060 opening, kasunod ang staff nurse, 650; mason, 502; market salesperson, 441; househioold attendant, 349; at public health nurse, 297.

Mayroon ding mga bakante para sa non-formal education teacher, 270; financial/accounts specialist, 248; service crew, 245; domestic helper, 211; waiter, 210; barista, 204; construction carpenter, 195; warehouseman, 191; at supervising management specialist sa gobyerno, 160.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

Para sa mas marami pang bakanteng trabaho at iba pang mga serbisyo sa trabaho, maaaring mag-log on sa http://philjobnet.gov.ph/ ang mga naghahanap ng trabaho at employer.

-Mina Navarro