NAMAYAGPAG sina Atty. Elnathan Sunny Emilio ng Quezon City at Dr. Alfredo Paez ng Cabuyao City kasama ang siyam pang katao na nakapagkamit ng FIDE Arbiter norms matapos matagumpay na nakapasa sa isinagawang FIDE Arbiters Seminars and Examination test sa Rizmy Hotel, Cabuyao City, Laguna.

Si Atty. Emilio, head executive assistant sa Office of the Chairman ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang nanguna sa seminar na may 35 mula sa kailangang 40 punto, habang si Paez, isang dentist by profession, ay may naitalang 33 puntos.

Pinangasiwaan ni National Chess Federation of the Philippines director at MVP Olympics Team Manager Martin “Binky” Gaticales ang opening rites.

Ang lecturer ay si IA Castro “Toti” Abundo ng Asian Chess Federation at FIDE Lecturer kung saan ang sumaksi sa nasabing event ay si NCFP executive director at Fide arbiter Red Dumuk.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Si Dumuk din ang president ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).

Sina Atty.Nestor Barbosa ng Naga City, Allan Pelias ng Wyeth Philippines, City College of Angeles head coach professor Rafael Cayanan, City College of Angeles assistant coach professor Francisco Gabriel Prevandos, Binaluha National High School principal Edwin Cablao ng Cebu, Professor John Marco Balane ng Camsur, Maurillo Haig ng Naga City,Nurse Ceferino Gonzales ng Quezon City at sportswriter Quezon City native Almario Marlon Bernardino Jr. ng Barangay Malamig, Mandaluyong City na suportado ang kanyang kampanya ni Barangay Malamig chairman at Mandaluyong City ABC president Marlon Manalo ay matagumpay din na nakapasa tungo sa pagkopo sa FIDE Arbiter norms.

Ayon kay International Arbiter Gene Poliarco ang 11 katao na nakapasa sa pagsusulit para sa FIDE Arbiters Seminar and Examination ay kailangan pa ng tatlo sa apat na itinakda na FIDE Arbiter norms para makumpleto ang FIDE Arbiter title status. Kinakailangan din nilang magbayad ng 20 euros sa National Chess Federation of the Philippines para sa FIDE arbiter licence kung saan ang NCFP naman na ang in charge kay International Arbiter Patrick Lee.

Ang weekend FIDE seminar ay nagsilbing punong abala ang Cabuyao City, Laguna sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of Philippines (NCFP), Asian Chess Federation at Rizmy Hotel na may basbas ng FIDE.