Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) na muling isailalim sa random drug testing ang kanilang hanay, kasunod na rin ng pagkakadakip ng isang babaeng miyembro ng Special Action Force (SAF) at dalawang iba pa sa Taguig City, nitong Sabado.

Paliwanag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar, hindi nakasama sa drug test ang naarestong si PO3 Lynn Tubig nang hindi mabunot ang pangalan nito.

Nauna nang inamin ni Tubig na ilang buwan na siyang gumagamit ng droga dahil sa depresyon ngunit itinangging kasali sa pot-session na naabutan ng pulisya.

Kaugnay nito, siniguro ni Eleazar na isasama na nila ang mga pulis na dati nang nakalusot sa drug test.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaresto si Tubig kasama ang dalawang lalaki na naaktuhan umanong gumagamit ng droga sa Purok 6, Barangay Tuktukan, Taguig City nitong Sabado.

-FER TABOY