Nagsumite ng kani-kanilang kontra salaysay sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Health secretary Janette Garin at ex-Budget secretary Florencio “Butch” Abad sa kanilang pagdalo sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa Department of Justice sa kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine.

Kaugnay ito sa mga kasong isinampa sa kanila ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) at Vanguard Of The Philippines Constitution Incorporated na RA 9184 o Government Procurement Law, paglabag sa section 3(e) ng RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act, technical malversation at paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code o Criminal Negligence.

Pinagsusumite ng DoJ panel ang mga respondent ng tugon sa counter affidavit at ipagpapatuloy ang pagdinig sa Hunyo 22.

-Beth Camia
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente