Kasabay ng pagbubukas ng klase kahapon, pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng driver ng mga public utility vehicle (PUV) sa ipinatutupad na 20% diskuwento sa pasahe ng mga estudyante, na dapat na ibinibigay buong taon.

Sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na may karapatan ang mga estudyante na makatanggap ng diskuwento sa pasahe kahit Sabado at Linggo at mga holiday, basta may maipakikita silang student identification card.

Aniya, ang diskuwento ay nararapat na matanggap ng lahat ng estudyante, kabilang ang mga nag-aaral sa mga vocational at technical school, kahit pa bakasyon, semestral break o Christmas break, batay sa Memorandum Circular 2017-024 na inilabas noong Oktubre 2017.

Kasabay nito, hinikayat ng DOTr ang mga estudyante na isumbong ang mga driver na hindi nagbibigay ng diskuwento. Maaaring silang tumawag sa LTFRB hotline number 1342 o magreklamo sa 426-2515/426-2534, o magpadala ng mensahe sa mga opisyal na social media account ng ahensiya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Alexandria San Juan