Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na huwag nang bumalik sa bansa si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison kapag muling nabigo ang peace negotiations sa pagitan ng mga rebelde at ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, sinisikap nilang magtagumpay ang mga pag-uusap sa mga komunistang rebelde para maging business-friendly ang Mindanao.

“Hindi muna maka-access doon ngayon kasi magulo. So we are trying to find out if we can succeed in the talks with the Communist Party,” ani Duterte.

Muli rin niyang binanggit na nananatiling bukas ang imbitasyon kay Sison na umuwi ng Pilipinas, ngunit wala pang sagot ang dati niyang professor.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I have invited Sison. I do not have the clear answer,” aniya. “If you come home, I will guarantee your safety and your security. If the talks fail, I’d be glad to escort you here and see you leave the Philippine territory pero sana huwag ka nang bumalik.”

“Let’s end this by just shaking our hands and we will resume the violent war. It leaves us no other alternative,” dugtong niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos