LONDON (Reuters) – Kailangang manindigan ng mundo laban sa pambu-bully ng Washington, sinabi ng foreign minister ng Iran nitong Linggo sa liham na niya sa kanyang mga katapat para masagip ang nuclear deal matapos kumalas ang U.S.
Umurong si U.S. President Donald Trump nitong nakaraang buwan sa 2015 deal ng Iran at world powers na nag-alis ng sanctions sa Tehran kapalit ng paghinto sa nuclear program nito.
Itinuturing pa rin ng nalalabing signatories -- ang France, Germany, Britain, Russia at China - ang international accord na best chance para mapigilan ang Tehran sa pagdebelop sa nuclear weapon at sinisikap masagip ang deal.
Sa liham ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif sa kanyang counterparts nitong nakaraang linggo, humiling siya sa “remaining signatories and other trade partners” na “make up for Iran’s losses” na idinulot ng pagtalikod ng U.S., kung nais nilang masagip ang JCPOA nuclear deal.
Sinabi ni Zarif na ang “illegal withdrawal” ng US sa deal at ang “bullying methods” nito para hikayatin ang ibang gobyerno na sundan ang desisyon ay sumira sa rule of law sa international arena.