Sinikap ng Malacañang na pawiin ang kontrobesiya sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labi ng isang Pinay habang nasa official visita sa South Korea, iginiit na wala itong malisya.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque “mostly positive or neutral” ang reaksyon ng publiko sa presidential kiss.

“Lady involved also said there’s no malice in the kiss,” sabi ni Roque mga mamamahayag.

Hinalikan ng Pangulo ang babae habang nagkakatuwaan sa pakikipagpulong niya sa Filipino community sa Seoul nitong Linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang babae, kinilalang si Bea Kim, ay isa sa mga tumanggap ng librong “Altar of Secrets” na ipinamigay ng Pangulo sa event. Humiling si Duterte ng halik kapalit ng libro at pumayag ang babae.

Sinabi ni Kim, sa video na ipinaskil sa Facebook page ng Philippine News Agency, na walang malisya sa halik ng Pangulo at humingi naman ito ng permiso sa kanya. Inilarawan niya ang nangyari na once-in-a-lifetime experience.

RESPETO NAMAN

Nagimbal si Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas sa ginawang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pinay.

“Being the President, should be mindful of his position,” sinabi ni Brosas kaugnay sa ginawa ng 73-anyos na si Duterte, na muling naging usap-usapan sa Internet.

Nababahala ang pro-women legislator sa mensaheng maaaring ipabatid ng mga aksiyong ito ng Filipino leader. Hati naman ang reaksiyon ng netizens.

“It was really a shock but more than that, [it’s] the message that conveys to women. Grabe, it is as if he can do anything to women,” ani Brosas, miyembro ng Makabayan bloc sa House of Representatives.

Tinawag niyang “unethical” ang paghalik ni Duterte sa labi ng magandang overseas Filipino worker (OFW).

“Unethical po ang ginawa niya bilang Pangulo, on national TV mismo. Nagpapakita ito ng paggamit sa posisyon niya bilang Presidente. Misogynistic in character and walang respeto sa kababaihan.”

Para kay Brosas “really unfortunate” na mismong ang babaeng OFW pa ang nagtatangol sa pagkalik sa kanya ng Pangulo.

“Kahit pa hindi niya maramdaman na mali yon may problema doon una dahil Pangulo, nasa posisyon in power. Makakatanggi ba siya? Pangalawa, insensitive ba siya sa mararamdaman ng ibang babae tulad ng asawa?” tanong niya.

Ipinagkibit-balikt ni Duterte, kilala sa kanyang “macho” kahit noong siya ay mayor pa ng Davao City, ang halik na “just a gimmick.”

Kaya’t payo ni Brosas sa gobyerno ng Pilipinas, isulong ang respeto sa kababaihan.

“Overall I think ‘wag ilihis ang problema ng mga kababaihan sa mga ganitong gimmick. Sa gutom ang krisis na kinakaharap ng mga kababaihan. Ang dapat na i-promote at gawin ng pamahalaan ay respect and equality for our women,” sabi ng congresswoman.

-ELLSON A. QUISMORIO at GENALYN D. KABILING