PINATITIBAY ng sports ang ugnayan ng mga bansa o anumang organisasyon.

MASAYANG nakiisa sa groupie si Chinese Consul General and Counsellor Lou Gang (gitna) kasama sina Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF) President William Gosiaco (ikaapat mula sa kanan) at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI) President Domingo H. Yap (ikatlo mula sa kalawa), gayundin ang mga players at opisyal na nakibahagi sa badminton competition para sa pagdiriwang ng ika-117 Filipino-Chinese Friendship Day nitong Linggho sa Rizal Memorial Badminton Center. Ang iba pang sports na paglalabanan sa kompetisyon ay ang golf, table tennis, cycling, tennis at basketball.

Kung kaya’t sa ika-117th anibersaryo ng Filipino-Chinese Friendship Games, mas maraming sports ang isinama para sa isang buwang pagdiriwang sa isa sa makasaysayang kaganapan sa bansa.

“Even before the Spanish colonialism, may ugnayan na ang Filipino at Chinese through trading. Sa pagusad ng panahon, mas naging matibay ang samahan ng dalawang bansa dahil sa pagkakaisa at pagbibigay ng respeto sa isa’t isa,” pahayag ni Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI) President Domingo H. Yap sa opening ceremony ng badminton competition nitong weekend sa Rizal Memorial Badminton Center.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“The Chinese community are very thankful dahil sa mas matibay na samahan ngayon ng Pilipinas at China sa business, trading, food security, maritime and of course sa sports. Sa sports, lulusog na ang ating mga katawan at kaisipan, masaya pa sa bonding,” aniya.

Kasama ni Yap sa opening ceremony sina Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF) President William Gosiaco at Chinese Consul General and Counsellor Lou Gang.

Mas naging handa ang FCAAF team, sapat para maagawan ng korona ang Philippine Sports Commision (PSC) badminton team.

May kabuuang walong sports ang lalaruin sa buong buwan ng Hunyo, kabilang ang golf, cycling, table tennis, tennis, at basketball.

-Edwin Rollon