Hinatulang guilty ng Sandiganbayan Second Division si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region XII officer-in-charge Executive Director Raquil-Ali Lucman sa graft dahil sa paghingi ng P1.5 milyon kapalit ng paglalabas ng free patents sa mga pampublikong lupa.

Hinatulan ng anim taon at isang buwang pagkakakulong si Lucman, at hindi na maaari pang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan dahil sa paglabag sa Section 3(c) ng R.A. 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Base sa record ng Office of the Ombudsman, mula Setyembre 8, 2009 hanggang Oktubre 16, 2009 ay humingi at tumanggap si Lucman ng P1.5 milyon mula sa mga nagreklamong sina Hadji Bualan, Sergio Balolong at Aladin Saydala para sa paglalabas ng free patents sa public land sa mga barangay ng Olympog at Tambler sa General Santos City.

-Czarina Nicole O. Ong
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente