Ni-reprimand kahapon ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Senator Jose “Jinggoy” Estrada matapos siyang gumamit ng mga vulgar na salita sa pagdinig ng kanyang kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Tinatanong ni defense lawyer Paul Mar Arias ang whistleblower na si Benhur Luy nang hindi mapigilan ni Estrada ang sarili at sumigaw ng “gago”.

Kagaad siyang sinita ni Fifth Division Chairperson Associate Justice Rafael Lagos. “Mr. Estrada, don’t make any side comment. I will cite you in contempt,” babala ng hukkom.

Kaagad namang nag-sorry si Estrada sa korte.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Kinasuhan si Estrada ng plunder kaugnay sa ilegal na paggamit ng kanyang P183 milyon priority development assistance fund (PDAF), na diumano’y napunta sa mga oaken non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles.

Sa kanyang testimonya, inamin ni Luy na ang kanyang mga pahayag kaugnay kay Estrada ay batay lamang sa mga naikuwento sa kanya ni Napoles.

Matapos ang pagdinig, sinabi ng mga abogado ni Estrada na sinisikap nilang patunayan na mali ang mga pahayag ni Luy at “kaduda-duda anbg mga computations mula sa kanilang ledgers kaugnay sa mga kickbacks.

Ipinaliwanag naman ni Estrada na namura niya si Luy dahil nabuwisit siya sa mga pinagsasabing kasinungalingan nto.

“Hindi ko naman kilala ‘yan eh, dugtong niya.

-Czarina Nicole O. Ong