MAY ginagawang pelikula si Dennis Trillo tungkol sa droga. Pinamagatang Mina-Anud ang indie film, na idinidirehe ni Kerwin Go, na winner sa 2017 Southeast Asian Film Financing Forum sa Singapore, at produced ng Epic Media.
Nakakaintriga ang description sa Mina-Anud: “A Tropical Crime Comedy based on true events! Paradise is upturned when 3 tons of cocaine washed up on the shores of a peaceful seaside community in Eastern Samar, Philippines. Two local surfers must decide if the lure of a richer tomorrow is really worth risking both family and freedom.”
Batay sa mga nakita naming behind-the-scenes ng pelikula, sina Dennis at Jerald Napoles ang dalawang surfer na nakadiskubre sa cocaine. Kasama rin sa cast sina Mara Lopez, Dionne Monsanto, Alvin Anson, at marami pang iba.
Tinatapos din ni Dennis ang On The Job 2, at bilanggo naman ang role niya sa pelikula ni Erik Matti. Starstruck nga si Dennis sa mga kasama niya sa nasabing pelikula, at maging kay Direk Erik ay starstruck din ang aktor.
“Ang sarap gawin ang pelikula, iba ang story nito at malalaki at magagaling na aktor ang mga kasama ko, na karamihan, ngayon ko lang nakatrabaho,” kuwento ni Dennis. “Masarap silang makatrabaho. Ang dami kong scene with Christopher de Leon, may Leo Martinez pa at John Arcilla. Magandang experience ito sa akin, at alam kong marami akong matututunan.”
-Nitz Miralles