Mga laro bukas
(Filoil Flying V Center)
10 n.u. -- Army vs Cignal (men’s)
12 m.t. -- Air Force vs Vice Co. (men’s)
4:00 n.h. -- Creamline vs Iriga-Navy (women’s)
6 p.m. – PayMaya vs BaliPure (women’s)
GINULAT ng Tacloban ang defending champion Pocari-Air Force, 25-17, 17-25, 25-20, 16-25, 15-10, upang mapalakas ang tsansa papasok ng quarterfinals kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Refinforced Conference nitong Linggo sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Dahil sa panalo, tumapos ang Fighting Warays na may markang 4-3.
Tinibag ni Jovielyn Prado ang dalawang Pocari blockers ng kanyang power hit upang ibigay ang panalo sa Fighting Warays na nagbaba naman sa Lady Warriors sa fifth spot taglay ang markang 3-4.
Nauna rito, nawala ng BanKo-Perlas ang apat na match points sa fourth frame bago nakabawi upang mapataob ang Iriga-Navy, 25-18, 23-25, 25-20, para mapalakas ang quarterfinal campaign.
Isang drop shot ni playmaker Jem Ferrer ang tumapos sa laro at nagbigay sa kanila ng panalo, ang kanilang ikalawang sunod para tapusin ang elimination round na may markang 3-4 kasalo ng PetroGazz Angels sa ika-6 na puwesto.
Tumapos na topscorer para sa koponan si American import Kia Bright na may 27 puntos , galing sa 22 attack points , anim na kill blocks at isang service ace, kasunod si Thai import Jutarat Montripila na nagposte ng 23 puntos.
Nanguna naman si import Lauren Whyte na humataw ng 26 hits at 12 excellent digs para sa Lady Oragons na bumagsak sa ikalimang dikit nilang talo matapos ipanalo ang una nilang laro kontra Balipure.