Kung si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang masusunod, hindi niya papayagan na magkaroon ng residential area sa Boracay dahil mawawalang-saysay ang mga epekto ng rehabilitation efforts ng gobyerno sa world famous island.

“I will not allow residential… Eh you will spoil everything. Kasi rarami ‘yan, then saan pupunta ‘yan? It goes to the sea, again,” aniya.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya gagastos ng pera para linisin ang Boracay at pakikinabangan lamang ng mga mga negosyante. Muli niyang idiniin ang kanyang intensiyon na ibigay ang isla sa mga katutubo kapag natapos na ang anim na buwang rehabilitasyon.

“So ibigay ko na ‘yan sa mga tao for agricultural purposes, kapag hindi, kukunin lang ng mga may pera ‘yan, gawain lang ‘yan nila ng resort. Resort dito, resort doon, resort dito.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“I did not spend money for government just to accommodate ‘yung mga mayayaman. It is not for them,” diin niya.

Pinanindigan din ni Duterte na ang isla ay forestal at agricultural land.

“It’s a resort, international, first class... I have yet to see a document that says that it is also commercial and residential,” aniya.

Sa Proclamation No. 1064 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, klinase ang Boracay sa forestland for protection purposes, at agricultural land, as alienable and disposable, alinsunod sa Forestry Reform Code of the Philippines, subject to actual ground survey and delineation.

Kasabay nang paninindigang ito ng Pangulo, kinumpirma ng Department of Agrarian Reform (DAR) na halos 845 ektarya ng agricultural land sa island ang maaaring sakupin ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng gobyerno.

Sinabi ni DAR Undersecretary David Erro na ang coverage at distribution ng mga lupain sa bayan ng Malay ay isasagawa sa tatlong yugto —25.7658 ektarya (Phase 1); 220 ektarya (Phase 2); at 600 ektarya (Phase 3).

Sinabi niya na ang 25.7658 ektarya (Barangay Yapak, 14.6643 ektarya; Bgy. Balabag, 1.0093 ektarya; at Bgy. Manoc-manoc, 10.0922 ektarya) sa ilalim ng Phase 1 ay maaaring kaagad na mabawi sa ilalim ng CARP dahil walang nakatayong mga istruktura sa lugar.

Sinabi niya na 80 katutubong Ita ang makikinabang sa first phase ng land reform sa isla. Sisimulan ang coverage at distribution processes, sa susunod na linggo, at aabutin ng hanggang 90 araw.

Ang 820 ektarya sa ilalim ng phases 2 at 3 ay tinayuan ng mga istruktura ngunit itinuturing na agricultural lands, aniya. Maaaring matatagalan bago maisailalim ng DAR ang mga lugar na ito sa CARP dahil sa mga nakatayong istruktura.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Ellalyn De Vera-Ruiz