Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang mga hepe ng pulisya sa bansa na tiyakin ang “zero-crime incident” sa mga eskuwelahan sa pagbabalik-eskuwela ngayong Lunes ng nasa 28 milyong estudyante.
Sinabi ni Albayalde na pinag-aralan na ng PNP ang operational guidelines kung paano matatamo ang zero-crime incident at ang kinakailangang gawin ng mga hepe ay ipatupad ang do’s and don’ts sa peace and order management para sa pagbubukas ng klase.
“I have issued the Operational Guidelines for Ligtas Balik-Eskwela 2018 that mobilizes all PNP Regional Offices and National Support Units to perform specific tasks and coordinating instructions to implement the nationwide security and public safety plan,” sabi ni Albayalde.
Sa Ligtas Balik-Eskwela 2018, titiyakin ang operational readiness ng police units bilang tugon sa peace and order concerns kabilang ang mga banta ng mga kriminal na posibleng abusuhin ang sitwasyon.
“Of priority concern to the PNP are incidents of street crimes such as pickpocket, snatching, swindling, robbery/hold-up, and street-level drug trafficking,” sabi ni Albayalde.
-Aaron Recuenco