Aalamin ng House Committee on Overseas Workers Affairs kung aling bansa sa Gitnang Silangan ang walang bilateral agreements sa Pilipinas para sa proteksiyon ng mga manggagawang Pilipino.

Sinabi ni Rep. Jesulito Manalo, chairman ng committee, itinatadhana ng Republic Act No. 10022 na bago magpadala ng overseas Filipino workers (OFWs), dapat munang tiyakin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may umiiral na bilateral agreements ang Pilipinas sa host countries.

Sa House Resolution 175, tinatawagan ang Kongreso na siyasatin ang tamang implementasyon ng Section 4 ng Migrant Works Act, at ang DFA, Department of Labor and Employment (DoLE) at POEA, na repasuhin ang proteksiyon ng OFWs sa pupuntahang bansa.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji