Nakadispalko umano ng malaking pera si dating Ozamiz, Misamis Occidental chief prosecutor Atty. Geronimo Marabe, Jr. kaya ipinapatay siya ng kanyang mga kliyente nitong nakaraang buwan.

Ito ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng tanggapan ni Ozamiz City Police Office chief, Chief Insp. Jovie Espenido.

Pinangakuan umano ni Marabe ang ilang kaanak ng mga kinasuhang drug-pusher na makalalaya ang mga ito, kasabay ng pagbasura ng kanilang kaso kapalit ng malaking pera.

Si Marabe ay kagagaling lamang sa pagdinig sa kaso ng kanyang kliyenteng si Melodina Parojinog- Malingin, ang nakababatang kapatid ng napatay na si Ozamiz City mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, Sr. at ni resigned City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, nang pagbabarilin ito ng mga suspek sa Barangay 50th, Ozamiz City nitong Mayo 22.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pat u loy ang masus ing imbestigasyon sa kaso.

-Fer Taboy