Nakapasa na sa Kongreso ang House Bill No. 6251 na magtatatag sa National Senior Citizens Commission (NSCC) upang mapalawak ang partisipasyon ng mga nakatatanda sa ating bansa.

Iniakda nina Senior Citizens Party-List Rep. Francisco Datol Jr., House Speaker Pantaleon Alvarez at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr., inaasahang ihahayag ni Pangulong Duterte kung sino ang magiging Chairman ng NSSC, at anim na komisyuner mula sa Office of the President.

Batay sa H.B. 6251, ang chairman ang magiging Chief Executive Officer at magtatalaga ang Pangulo ng anim na komisyuner sa Northern Luzon, Central at Southern Luzon, MIMAROPA at Western Visayas, Central at Eastern Visayas, Western Mindanao at Central at Northern Mindanao.

Mauupo ang chairman at anim na komisyuner nang pitong taon at sila ang mangangasiwa sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa bawat bayan, lungsod at lalawigan.
National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok