ILAGAN CITY – Pangarap ni Evangeline Caminong na mapabilang sa National Team. At mabilis ang katugunan sa anak ng isang magsasaka mula sa Dasmarinas, Cavite.

ASIM PA! Nagdiwang ang grupo ni dating six-time SEA Games champion Elma Muros- Posadas (ikalawa mula sa kanan) matapos ang matagumpay na kampanya sa 4x100 meter relay sa Masters division, habang kumasa ang mga kalahok sa heat 2 ng boys’ 100-meter run kahapon sa Ayala Philippine Athletics Championship sa Ilagan City Sports Center sa Isabela. (RIO DELUVIO)

ASIM PA! Nagdiwang ang grupo ni dating six-time SEA Games champion Elma Muros- Posadas (ikalawa mula sa kanan) matapos ang matagumpay na kampanya sa 4x100 meter relay sa Masters division, habang kumasa ang mga kalahok sa heat 2 ng boys’ 100-meter run kahapon sa Ayala Philippine Athletics Championship sa Ilagan City Sports Center sa Isabela. (RIO DELUVIO)

Naitala ni Caminong ang bagong marka na 1.71 meters sa junior level sa girls high jump event ng 2018 Ayala Philippine Athletics Championship nitong Sabado sa Ilagan City Sports Complex.

Sumasabak sa girls’ heptathlon, nabura ng 17-anyos mula sa Dasmariñas City East Integrated High School, ang dating marka na 1.69-meter na naitala ni Kaylene Mosqueda sa Philippine Sports Commission– Philippine Athletics Track and Field Association Weekly Relay noong 2016 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kabila ng katotohanan na bahagi lamang ang high jump sa anim na events na kailangan niyang dominahin, sapat na ang record-breaking feat para mapatatag ang kampanya ni Caminong at makabawi sa kabigbuan niya laban kay Alexie Mae Caimoso ng Ateneo sa nakalipas na dalawang kompetisyon.

Segunda lamang si Caminong kay Camioso sa Palarong Pambansa nitong April sa Vigan gayundin sa kanilanfg rematch sa high jump individual event nang mamnguna ang Lady Eagle jumper sa 1.65 meters. Nagwagi ng silver si Caminong (1.6m).

“Pambawi ko po ito kasi natalo ako (ni Camioso) sa Palaro at sa individual event,” pahayag ni Caminong, nakamit ang unang gintong medalya sa torneo nang pagbidahan ang girls’ long jump sa layong 5.23-meter.

Sa nakamit na bagong record, tatanggap si Caminong ng cash incentives na P20,000 mula kay PATAFA President Dr. Philip Ella Juico at inaasahang maimbitahan sa training pool.

“Gustong-gusto ko po mapasama sa national team dahil iyon po ang pride na mabibigay ko sa pamilya ko na nagtiis pong mahiwalay ako sa kanila,” sambit ni Caminong, nag-aaral sa National University sa athletics scholarship.

Samantala, nakopo rin ni national team member John Albert Mantua ang ikalawang gintong medalya tulad ng katropang si Philippine Army’s Richard Salaño sa limang araw na torneo na itinataguyod ng Ayala Corp., sa pakikipagtulungan ng City of Ilagan, MILO, Philippine Sports Commission, Foton, Cocolife, Rebisco at F2 Logistics.

Matapos makopo ang men’s shot sa opening day, nasungkit ni Mantua ang men’s discus throw sa layong 46.45 meters, kontra kina Rogelio de Borja (37.65M) at La Union’s Mark Anthony Talisay (36.18M).

Tinaghal naming ‘most successful junior athlete’ si Palaro standout Eliza Cuyom sa nakamit na dalawang gintong medalya sa girls’ 100-meter hurdles at e girls’ 4x100-meter relay.

Sa men’s triple jump, nagwagi si 2017 Southeast Asian Games silver medalist Mark Harry Diones sa naitalang 15.93 meters kontra kina Malaysian Andrei Anura (15.57M) at national team member Ronne Malipay (15.38M), habang tagumpay ang beteranong si Philippine Army’s Rosie Villarito (44.66M) sa women’s javelin throw.

Sa long-distance races, kampeon si Lambert Padua ng Run Rio – University of the Philippines sa 20,000-meter walk sa tyempong 1 oras, 59 minuto at 1.55 segundo, habang nakubra ni Carlos De Imus ng Team Titus ang boys’ 5,000- meter walk (28:20:86).