JAKARTA (Reuters) – Limang illegal gold miners sa probinsiya ng North Sulawesi sa Indonesia ang nasawi nang gumuho ang minahan na kanilang pinagtatrabahuan at nailibing sila sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Linggo ng hapon, sinabi ng Disaster Mitigation Agency (BNPB).
Natagpuan ang mga bangkay ng limang minero, pawang residente ng Bakan village, dakong 7:00 ng gabi nitong Linggo. Hindi pa nakikita ang pang-anim na minero.
Ang lugar na pinagmiminahan ng grupo malapit sa Bakan village at maburol at matarik, at madalas ang landslide.
“They had continued to mine despite the heavy rain,” ayon sa BNPB.