PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) na gumamit ng intelligent transport system (ITS), na kasalukuyang ginagamit ng South Korea, bilang solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila.

Titiyakin ng teknolohiya ang pagsasama-sama ng mga local government units (LGUs) upang bumuo ng komprehensibong solusyon upang malutas ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim na kinakailangan nang gumamit ng modernong teknolohiya bilang solusyon sa trapik, flood control at urban planning and renewal sa Metro Manila.

“The MMDA is exploring innovative solutions aimed to reshape the traffic and transportation network, taking into account the cause of traffic in Metro Manila, home to an estimated daytime population of 15 million,” pahayag ni Lim sa ginanap na pagtitipon tungkol sa paggamit ng Intelligent Transportation System tungo sa paglikha ng ‘A Smart Mega Manila.’

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Developing countries are utilizing intelligent transport system to mitigate traffic congestion in their country. It is about time we think forward and employ smart solutions like the Intelligent Traffic System,” ani Lim.

Inorganisa ng MMDA at ng International Fire and Security Exhibition and Conference ang pagtitipon sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex, Pasay City.

Sa pagtitipon, ipinakita ni division director of the Seoul Metropolitan Government Dr. Kim Wan Jib ang Transportation Operation and Information Service (TOPIS), isang integrated traffic management facility na nagpapatakbo at namamahala ng daloy ng trapiko sa Seoul.

TOPIS ang nagsisilbing traffic control system sa Seoul, na lumilikom ng malawak na impormasyon sa trapiko mula sa Bus Management System, kasalukuyang lagay ng trapiko mula saTransport Card System at iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon.

Agad nitong ipinoproseso ang ‘real-time information’ at ibinabahagi sa mga traffic facility users at public transportation information managers na nagpapatakbo ng mga bus, subway trains, at parking facilities.

Ang mga impormasyong ito ay maaaring magamit na tulong upang malaman ang mga alternatibong ruta para sa mga motorista sa panahon ng matinding trapik at mga insidente sa kalsada. Bukod dito, magagamit din ito ng mga mamamayan upang malaman ang oras ng pagdating at pag-alis gayundin ang mga ruta ng mga bus.

“Seoul has 25 districts since there are different local government units, the hardest part is for them to unite and integrate their systems. I have to convince them to integrate their systems,” bahagi ni Kim.

Ayon kay Kim, bukas ang city government ng Seoul na magbigay ng tulong sa MMDA at sa LGUS ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabagi ng kasanayan nito sa information technology upang masiguro ang implementasyon ng sistema.

Sa pinakabagong pag-aaral mula sa Japan International Cooperation Agency, lumalabas na umaabot sa P3.5 bilyon ang nawawala sa Pilipinas kada araw dahil sa matinding trapik sa Metro Manila.

PNA