GUATEMALA CITY (Reuters) – Tinatayang 25 katao ang nasawi kabilang ang tatlong bata, at halos 300 ang nasugatan nitong Linggo sa pinakamatinding pagsabog ng bulkang Fuego sa Guatemala sa loob ng mahigit apat na dekada, sinabi ng mga opisyal.
Umagos mula sa Volcan de Fuego (“Volcano of Fire”) ang 8-kilometrong stream ng nagbabagang lava, bumuga ng makakapal na itim na usok at nagpaulan ng abo sa kabisera at mga katabing rehiyon.
Ito na ang ikalawang pagsabog ng 12,346- talampakang bulkan ngayong taon.
“It’s a river of lava that overflowed its banks and affected the El Rodeo village. There are injured, burned and dead people,” sinabi ni Sergio Cabanas, general secretary ng CONRED national disaster management agency ng Guatemala, sa radyo